• non sequitor (non se•ki•tór)

    1. :
      pahayag na nagsasaad na ang kongklusyon ay hindi sumusunod nang lohikal sa mga isinuhay na pangungusap
  • non- (nan)

    1. :
      nagsasaad ng negatibo at kakulangan hal non-governmental, non-entity
  • non combatant (nan kóm•batánt)

    1. :
      tao o pangkat na hindi kasáma o kalahok sa digmaan
  • non feasance (nan fí•zans)

    1. :
      hindi pagganap ng isang dapat gawin
  • non art (nan art)

    1. :
      bagay na umiiwas sa pormal na anyo ng sining
  • non possumus (nun pú•syu•mús)

    1. :
      walang kakayahang gumanap sa isang bagay
  • non compos mentis (non kóm•pos mín•tis)

    1. :
      hindi malusog ang isip, gunita, o pang-unawa; wala sa tamang pag-iisip
  • sine qua non (sáy•ni kwo non)

    1. :
      kondisyon o katangiang hindi maaaring wala at kailangang-kailangan